Suportado ng RILES Network ang Protestang Bayan vs. Nagtataasang Presyo at Demolisyon

16 Jul

Lubos na sumusuporta ang Riles Laan sa Sambayanan (RILES) Network sa Protestang Bayan vs. Nagtataasang Presyo at Demolisyon na isinasagawa ngayong araw.

Kaakibat ng pinaplanong pagtaas ng pasahe sa MRT at LRT ang pagtataasan ng presyo ng mga batayang bilihin at singil sa mga batayang serbisyo. Kaakibat din nito ang demolisyon sa mga kababayan nating mahihirap. Sama-sama silang pahirap sa publiko.

Tama lang na magprotesta ang iba’t ibang sektor ng lipunan sa pagtataasan ng presyo at singil at sa demolisyon. Ang lahat ng ito ay kaugnay ng mga produkto at serbisyo na karapatan ng karaniwang tao at mahalaga sa pagtakbo ng buong ekonomiya ng bansa.

Dapat ay paigtingin ng gobyerno ang pagsangkot sa mga produkto at serbisyong ito. Dapat silang subsidyuhan ng gobyerno. Dapat silang ibigay bilang mga serbisyong panlipunan. Dapat silang ipatamasa bilang karapatan ng karaniwang mamamayan.

May pondo ang gobyerno, pero napupunta ito sa pagbabayad ng utang panlabas, korupsyon, at militarisasyon. Sa kaso ng MRT at iba pang semi-pribadong serbisyo ng gobyerno, napupunta ang subsidyo sa bulsa ng malalaking kapitalista na kontraktor.

Dapat itaguyod ng gobyerno ang karapatan ng publiko sa episyente, ligtas at abot-kayang transportasyong pangmasa. Dapat itigil nito ang dagdag-pasahe sa MRT at LRT at ang pribatisasyon ng mga ito. Dapat nitong paramihin ang mga MRT at LRT sa bansa.

Sana’y maging simula ang Protestang Bayan ngayong araw ng lumalawak at lumalakas na protesta laban sa nagtataasang presyo at tumitinding demolisyon sa ating bansa.###

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

rilesnetwork

Riles Laan sa Sambayanan

A Radical's Nut

Notes on Philippine economy and politics

The WordPress.com Blog

The latest news on WordPress.com and the WordPress community.

%d bloggers like this: