Manggagawa ng LRT, nagpakalbo bilang protesta Kawalan ng katarungan at matinding kahirapan sa tuwid na daan ng DOTC

18 Jan

Manggagawa ng LRT, nagpakalbo bilang protesta

Nagsagawa muli ng kilos protesta sa opisina ng DOTC ang mga manggagawa ng LRT at kasapi ng RILES Network para kondenahin ang anila’y nagpapatuloy na inhustisya at kahirapan sa tuwid na daan ng gobyernong Aquino at sa nasabing ahensya.

Kabilang sa kanila ang sampung manggagawang nagpakalbo para isalarawan ang kanilang pagkadismaya sa patuloy na pagbubulag-bulagan at pagbibingi-bingihan ng DOTC sa kanilang kahilingang mabayaran na ang kanilang backwage at separation pay na matagal nang ipang-utos ng Supreme Court na ibigay sa kanila. Aabot sa P229 milyon ang nakatakdang ibigay sa mahigit 200 claimants na orihinal na nagtaguyod noon ng LRT.

Ayon kay Sammy Malunes, Tagapangulo ng Pinag-isang Lakas ng Manggagawa sa LRT (PIGLAS-LRT)-NFWU-KMU, nangakong makipag-usap ang DOTC batay sa napagkasundunag Technical Working Group na magbabalangkas ng plano sa pagbabayad sa mga manggagawa ng LRT. “Hindi kami sinipot ng DOTC nuong Enero 13, sa kabila ng kanilang pangako nuong kami ay mangalampag nuong Enero 10. At ngayon, inaaasahan naming na siputin nila ang pag-uusap ngayon para bigyan kami ng malinaw na tugon kung kailan at paano kami babayaran ng DOTC.”

Ayon din kay Malunes, sobrang tagal na ang isang dekadang pagkakait sa kanila ng hustisya. Iligal na tinanggal ang mga manggagawa ng LRT nuong sila ay magsagawa ng strike nuong 2000. Pinaboran ng NLRC at Supreme Court ang mga manggagawa sa kanilang isinampang kasong illegal dismissal. Subalit, lumipas ang panahon ni Arroyo at naupo si Aquino, wala pa ring hustisya. Ang ilan sa mga manggagawa ay namatay na sa sakit sa tagal ng paghihintay.

Dagdag pa ni Malunes, na siya ring tagapagsalita ng RILES (Riles Laan sa Sambayanan) Network, double standard ang ginagawa ng gobyernong Aquino sa pagtugon sa operasyon ng LRT at MRT. Aniya, hindi marunong magbayad ang gobyerno sa mga manggagaw nito samantalang pagbayad sa ginarantiyahang return of investment ng mga kompanyang namuhunan sa MRT na aabot sa 15%.

“Walang katwiran sa tuwid na daan ni Pang. Aquino. Habang naghihirap tayo sa paghahagilap ng panggastos sa araw-araw, naglilibang naman si Noynoy sa kanyang P4.5 milyon white Porsche. Dinadagdagan niya pa ang mga bayarin sa pamasahe, toll fee, eskwela, buwis, at pinapabayaan nya ang mga negosyante sa pagtaas sa presyo ng langis at iba pang bilihin. Naliligaw na tayo ng landas sa maling direksyong tinatahak ng ating pangulo.” # # #

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

rilesnetwork

Riles Laan sa Sambayanan

A Radical's Nut

Notes on Philippine economy and politics

The WordPress.com Blog

The latest news on WordPress.com and the WordPress community.

%d bloggers like this: