SERBISYO HINDI NEGOSYO: Ibasura ang pagtaas sa pamasahe sa MRT at LRT

12 Jan

(Pahayag ng RILES Network sa pag-apruba sa pagtaas sa pamasahe sa MRT at LRT)

Tataas ang pamasahe sa MRT at LRT. Gustong ipasa ng gubyerno sa mga komyuter ang anila’y luging operasyon nito. Batay sa kanilang naaprubahan, aabot sa P10 ang pagtaas sa pamasahe, o P20 kung balikan. Katumbas na nito ang dalawang pakete ng instant mami o isang “vegetable tipid meal” sa karinderya. Pantawid gutom na sana ito ngayong 3.4 milyong Pilipino na ang nagugutom ayon sa huling survey ng Social Weather Station.

Mataas na ang presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng pagkain at gasolina. Mahal din ang mga serbisyo sa eskwelahan at ospital. Napakataas ng gastusin sa kuryente, tubig at renta. Nagtaas ang toll fee, flag down rate sa taxi. Tataas din ang EVAT.  Patuloy na lumolobo ang daily cost of living na sa huling tala ay P957. Hindi na magkakasya ang P404 ang minimum wage ng ordinaryong manggagawa para sa dagdag-pasahe.

Bakit ba pinipilit ngayon ng gubyerno ni PNoy ang pagtaas sa pamasahe? Sa talumpati niya nuong ika-100 araw niya bilang presidente, inilako nya ang MRT at LRT sa mga pribadong negosyante na gustong kumita. Ito ang ibig sabihin ng kanyang PPP (Public-private partnership). Gusto nyang ma-engganyo ang mga negosyanteng naglalaway sa tubo sa MRT at LRT. Kunsabagay, ang mga negosyanteng ito ay pinagkakautangan niya ng loob kaya siya nanalong presidente. Hindi naman talaga tayo ang boss nya.

Hindi dapat magtaas ang pamasahe sa MRT at LRT dahil ito na lang ang huling pang-masang transportasyon na sinusubsidyuhan ng gubyerno.  Ito ang serbisyong dapat na pinaglalaanan ng mga binabayad nating buwis at ng anumang kikitain sa mga umaarkila at nakikinabang sa mga istruktura sa MRT at LRT. Hindi ang malaking pork barrel ng mga mambabatas at ng Malacanang. Huwag din sana itong gawing regalong negosyo mula kay Noynoy para sa kanyang mga negosyanteng kaalyado.

Kung tuwid ang daan, kung tayo ang boss, dapat tayo ang masusunod. Pero bakit hanggang ngayon, walang public hearing tungkol sa pagtaas ng pamasahe? Ganito rin ang nangyari nuong bigla nilang tinaas ang toll fee, ang taxi flagdown rate, ang sunod-sunod na pagtaas sa singil sa kuryente, tubig at gasolina. Bakit hindi nakikinig si PNoy?

Mariing kinokondena ng RILES Laan sa Sambayanan ang pagkabingi ng gubyernong Aquino sa hinihiling ng taumbayan. Nakahanda kaming magpatuloy sa pagkilos para tuluyang ibasura ang pagtaas sa pamasahe sa MRT at LRT. Hinihimok namin ang taumbayan na iparinig ang kanilang tinig at gisingin ang gubyernong nagdudulot ng patung-patong na paghihirap.  Itigil na ang sunod-sunod na pagpataw ng dagdag na bayarin.

Dinggin ang taumbayan. Dagdag-pasahe sa MRT at LRT, IBASURA!

Serbisyo publiko, hindi negosyong pribado!

STOP MRT LRT fare hike

Stickers bearing the call "Serbisyo hindi Negosyo! STOP MRT LRT fare hike" will be distributed to passengers of the MRT and LRT this morning to enjoin the public in a concerted effort against the MRT LRT fare hike.

Advertisements

One Response to “SERBISYO HINDI NEGOSYO: Ibasura ang pagtaas sa pamasahe sa MRT at LRT”

Trackbacks/Pingbacks

  1. LRT-MRT Fare Hike « PULPOLitika - March 17, 2011

    […] ang simpleng paliwanag kung bakit sila […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

rilesnetwork

Riles Laan sa Sambayanan

A Radical's Nut

Notes on Philippine economy and politics

The WordPress.com Blog

The latest news on WordPress.com and the WordPress community.

%d bloggers like this: